Monday, January 16, 2012

Interview!? Chicken lang yan!!!!

wow, kahi na block exams ko in like 3 days, heto ako, gumagawa ng blogpost!!!
talk about (gaga? tanga? procrastination level: Asian!, kasi asa 9gag din ako)

pwede magcomment, tipong,
"omg, you're so awesome, i love you!"
okaya
"loser! mag-aral ka nga" or "get a life pre!" okay lang sakin yun,

vain ako eh,,

(actually forever alone lang talaga) *insert forever alone meme*

ito na ang interview sa St. Luke's experience ko, may nagmessage lang sa akin eh, at nagdesisyon akong ibahagai na rin yung message ko dito,


kaya,

*start*

Interview!? Chicken lang yan!!!!

hello, sorry busy kase exam season ngayong linggo, oo ako yung sa pinoymd, haha, at blog ko nga yun, kaso hindi ko na nadagdagan kasi nga busy-busyhan pa

interview, hmmm...

sa experience ko, tsaka narin sa ibang classmates ko, iba-iba talaga eh. pero ang general feeling kase mabait talaga sila.

sa case ko kase dahil sa eng'g ako galing, tinanong nila kung bakit ako nagshift ng course, tapos ayun, may sabit kase ako sa grades kaya tinanong din sa akin mga nangyare nun. ayun, okay lang, mejo sobrang pagdefend ng sarili, naanticipate ko na kaseng itatanong sa akin yun.

tapos tinanong din kung may specialization na akong nagugustuhan, sinabi ko yung top 3 ko, pero sabi ko, honestly, ang hirap sabihin na desidido na ako dun kase ineexpect ko na during my 5 years sa St. Luke's (medschool pala ata ginamit kong term) baka mamulat pa ako sa ibang specialization... tapos ayun, okay lang naman sila, tapos sinabi pa nilang OB at ENT daw pinakakonti sa medical center atm, baka daw maconvince nila ako. sobrang mabait sila, pero nung time ko, mejo good cop, bad cop ang role nila.

tatanungin ka nila about dun sa essay, parang titingnan nila kung how prepared ka nga ba sa medschool, nagcocomment sila pero hindi naman na sobrang terrorized ka, concerned lang sila kung ready ka na ba talagang magmedschool, five years din kase yung time na gugugulin mo for studying eh, baka naman kase hindi ka ready or parang napilitan ka lang mag med, mga ganung angle

sa finances, tatanungin nila, kung running for scholarship, sinisigurado na nilang merong kang back-up if ever hindi mo mamaintain kase ayaw nilang masayang yung opportunity, yung tipong kung hindi mo man mamaintain ang scholarship, sayang yung 1 year eh, sana sobrang ready ka na para sa lahat ng pwedeng mangyari.

tinanong ako kung san daw ako titira, kase from the province ako, siguro niraramdam nila kung gaano ako kamature para tumira on my own. mejo yun yung sobrang nega comment nila sa akin kase sabi ko hindi pa ako naghahanap talaga ng titirhan, kase nga interview palang naman yun, tapos sabi ko i have the option to live with my sister kaso malayo siya (cainta) kaya pwedeng sa malapit nalang muna, pero sabi ko, wala pa talagang arrangement for that.. tapos ayun, para daw hindi ako prepared kasi daw dapat pati yun pinaghandaan ko na daw... tapos ayun, advice thingy sila na importante daw yun sa doctor etc, eh mejo naasar ako, kaya sinabi ko na nakangiti, eh hindi pa naman po kasi ako siguradong tanggap dito sa st. luke's di ba po? kaya kesa naman po i'll get my hopes high at magpareserve na ako ng rent sa isang dorm or apartment, tanggapin nyo na po muna ako, kasi from my experience, kapag sobrang taas ng expectations mo at hindi mo nakuha, sobrang sakit sa puso na mag-fail. sabay ngiti, add nalang ni Doc Visda (sya ay prof namin ngayon, at sya yung good cop sa interview session ko) Doc...(i forgot his name) What can you say about that.....? haha, ayun tawa/ngitian nalang kame,,,

at the end, it was a nice session, sabi nila with my grades, my NMAT score na 99 (yun kase una nilang titingnan) and my credentials (pisay-up daw, pero sobrang eh anu ngayon....) pretty much tanggap na daw ako (which is parang totoo, kase parang mga nainterview ay halos pasok na nga)

ayun, advice siguro, yung essay, (kase mejo dalawang page yung ginawa ko) at talagang binasa nila, reviewhin....

tapos ngiti, parang sobra sakit ng panga ko after ng interview, kase puro ngiti lang ako. confident na aura din, sobrang helpful!

tapos kung confident ka mag tagalog sabihin mo from the start na mas confident kang magtagalog kaya yun gagamitin mo sa pagsagot.

ayun lang, feeling ko naman yun mga pointers na natatandaan ko. pakwento din ako sa iba kong classmates, pero pretty much yun yung nangyare sa akin tsaka mga pinagtatatanong...

pero sa totoo lang, sobrang bait ng mga tao dito sa St. Luke's, studyante staff at profs, kumpara sa other schools talaga, yun kasi talaga nagustuhan ko sa St. Luke's, apart sa scholarship at passing rate nya, kaya masaya ako andito ako ngayon. :) Sobrang saya lang talaga ng interview, hindi nakakapressure!

sayang sa Friday interview mo, exams namin yun eh, pero kung sa library lang naman yun, baka makita pa kita, mag-aaral kase kami malamang lamang ng 11-1 doon, unless tapos na by then interview mo, haha.

good luck sa friday!
masaya lang talagang experience yun!

*end*

magpapakwento pa ako bukas, aside from asking about blood vessels, muscles at nerves tomorrow, isisingit ko,

"So, interview season na, how's your interview experience here in SLCM?"

karagdagans,

checheck nila units, dapat nakuha lahat, ng units, kung may isang kulang, (mga 1-2 units of chem or physics) pwedeng ihabol by summer ^____^

merong si Doc Dimamay daw ay nag-interview, mejo puro about research ang tanong niya, mejo hindi daw siya nagtanong ng question related sa medschool, more of units and such lang daw

merong interviewers na tatanungin ka ng mga typical questions like, what made you apply to med schools? why do you want to be a doctor, aside from gasgas answers, siguro they would like to ask for more, mejo try to be personal as much kase they really want to know if you are ready for med school, kase after the interview, sinabi yun sa isa kong classmate

for some reason, they want students who wants to learn more than anything, for some reason, isang interview session came up na, parang having an opinion on things is bad, siguro nagmukha lang know-it-all or parang liberal / revolutionary yung classmate ko kaya parang nacomment yun sa kanya, pero i don't know, sa pagkwento niya kase parang ganun daw yung naramdaman niya, idk, mejo na-off ako sa kinwento niya. Dr. Atienza pala yun, one of the Big 3 sa school

ako masaya lang talaga yung experience, all smiles and light laughs kame, isa kong kaklase naging teary daw kase naging personal ang kwentuhan, sa isa mejo naging tense, others mejo bored, kase seryosong technical lang, like requirements and all lang


pero don't fret too much, hindi parang UPM tong experience na tong tipong tatanungin kang

"Define Loyalty or Define Spirituality" wow naman,

treat it lightly lang talaga, be honest, confident, the fact na na-interview ka, mataas ang chance mong matanggap, just make an impression na ready ka for med school


good luck!