Cut and paste ko lang to from another post, kase kamalian ang nagawa ko at doon ko nilagay
So i decided to create a Different Page! oh yeah!!
I will also creepily post the FB links of the Docs... ewan ko lang kung bakit ko ginawa, pero yeah
Creepy.... (stalker-much?)
deh, mabaet kase sila kaya okay lang! (siguro....hahaha)
:)
ANATOMY
DEAN Carandang & Doc Decano |
si Doc Decs pala ang department head, meaning, majority of lectures manggagaling sa kanya, pati exams, puro mga tanong niya, count on it! tsaka siya nagrerelease ng grades, which is true for all department heads, (sortof, Doc Tapia hinda naglecture sa prevmed nung first block, Si Doc Chari din nung Fourth block, isang topic lang)
nickname ng class kay Doc Decs ay "Daddy" or "Daddy Doc Decs" kase makwento siya about his
daughters, his family, ayun, saya talaga. oo nga pala, Surgeon si Doc Decs
If I'm not mistaken, nagpakilala na din si Dra. Roxas, honestly first impression ko kay Doc Roxas, strikto, tipong Prof. McGonagall! haha, pero maling-mali! one of the best si Doc Roxas, easy Top5! sa bait at galing magturo, Top Class si Doc Roxas, without a doubt! (miss ko na nga siya eh, hindi kase siya nagtuturo ng Neuroanatomy, huhuhuhu) if im not mistaken, Pathologist si Doc Roxas
Last Ana prof si Doc Chang!
youngest siya sa lahat at sobrang nakakarelate siya kaya
+ points sakin yan! simple lang siya magexplain, para sakin magaling siya, kaso ayun, twice lang siya naglecture :( i want more eh! umalis siya para mag-residency ng Patho sa US eh!
Dr. Ricardo Quimbo
alam ko wala si Doc Quimbo eh, pero ayun, siya ang Histology Professor, at super impressive ng credentials ni Doc Quimbo, at according to my classmates, "he's easy in the eyes" andame kaseng kinilig sa kanya. Ingglisero si Doc Quimbo, pero marunong siyang mag Waray (ata) and you'll Basically understand the first time you meet him that he's smart and witty.
Beware, he is notoriously late! and definitely indifferent to the time, so be ready to remind him (and maybe show him) that maybe its time to end the lecture/say your final words for the day.
pero wag rude ah! kase nakakaguilty nung narealize niyang he keeps saying "basically" a little bit too much (tipong merong rude kids na binibilang pa nila :( track mean record niya 25+ according to them) at sinabi niya sa class!! pero parang okay lang naman sa kanya, mabait si Doc Quimbo! makwento, laki ng smile niya at sobrang approachable! may tendency nga lang siya mag-monologue! at over-explain stuff,
memorable moment ko with Doc Quimbo, nagtatanong siya kung bakit kailangang papirma sa kanya ng make-shift borrower's ID, di kami nagkaintindihan, fail! ENglish-speaking gentleman kasi siya! nag Patho-fellowship(o residency) lang naman kase siya sa New York MC! @____@
Last Prof for Ana/Histo:
Dra. Santos, host of last year's NMATinik |
Gusto ko siya sa totoo lang, mahina lang voice ni Doc and sweet, kaya ata kinikilig ako twing lecture niya, hahaha. lectures niya usually Embryology, so once a Block lang siya nagpapakita :) mabait siya, okay naman ang lectures niya, mahilig siya magtanong sa mga diseases during development, kaya magfocus sa mga ganung topics. alamin din yung timeline (kung pang-ilang week etc nabubuo ang isang certain organ) yun lang naman :) usually 10 points lang lage embryo per block exam, yakang-yaka yan :)
PHYSIOLOGY
Head ng Physiol, para sakin pantay sila ni Doc Decs sa galing ng pagtuturo.
bilib din ako kay Doc Pasco, ang haba ng pasensiya niya, tipong kung ako asa lugar niya at super spaced out na ang mga studyante dahil sa hirap ng lecture, mabubwiset na ako. pero siya sobrang ististimulate pa rin niya ang class, para bumalik ang attensyon, kase po,
hapon ang Physio.
meaning,
kakakain lang ng students,
meaning,
blood flow ay nasa digestive system, at wala sa nervous system, kaya mababa ang atensyon at mas gusto nating mag-siesta! (lesson: wag kumaen, wahahaha). Isa din si Doc Pasco sa approachable na profs, magaling din siya humirit, at siya yung pinaka-unang halos makamemorize sa lahat ng studyante niya! woah diba, mejo 94 din yun! kaya beware, kaya niya tawagin lahat for recitation! mahilig pa naman siya sa recitation, pero tipong review lang ng mga sinabi niya, para macheck kung naintindihan nyo nga ba pinagsasasabi niya, =) siya nga pala, Pathologist din ata si Doc Pasco
Next,
Doc Tan and Doc Decs |
makwento si Doc Tan, tapos super every meeting roll call, para siguro makilala niya students niya, parang mejo 6th block na, roll call paren. pero kilala niya din students niya eh. favorite ko si Doc Tan in terms of school events, sobrang kwela niya, andun siya sa lahat ata ng events, ang supportive! nakakaaliw talaga siya, kaya reflected sa class niya, kahit korni yung joke, mastistimulate ka paren, para di makatulog, kase naman, HAPON ang Physiol! pramis! Hapon + Kain + Aircon = antok lvl 100!!!! Isa si Doc Tan sa mga sobrang simple mag-explain, parang Doc Decs, puro pictures halos, (Surgeons kase sila? hmmmm....) kaya mag-record kayo ng lecture niya para balikan niyo yung mga hindi nyo na-encode or sulat. kase pwedeng detelyado pala yun sa monologue niya, or sa book, kaya minsan nadadale sa "trick" questions niya. Ingat sa EA (scheduled quiz ng Physiol) notorious si Doc Tan dito, majority of EAs niya ay confusing/tricky talaga, read in advance, don't cram, and luv Guyton each and every one of its 1thousand + pages =)
Last sa Physio:
elibs din ako kay Doc Ng, neurologist! iba talaga aura nila mehn, parang gusto mong lumuhod at magbigay samba sa kanila. hindi ko ba alam kung bakit, pero lahat ng mahihirap na lectures medyo kay Doc Ng ata napunta! kaya aminado si Doc na medyo madami siyang napapabaksak (sa antok, hindi sa grades!) kaya hanggat maaari, meron siyan interjections every once in a while to stimulate the students, tipong out of the blue may slide ng banga lumalabas sa powerpoint, hahaha. Pero sobrang mabait si Doc Ng, naaliw din ako minsan kase may punto yung pananagalog niya minsan. pero favorite ko si Doc Ng, lalo na kapag exams! parang questions niya kase ay straightforward lang, hindi tricky, masaya din EAs ni Doc Ng, one time puro tinanong niya lang ay Result Analysis, tipong hahanapin mo lang kung anu ngyare, huwaaaat!?!? tsaka sakanya din yung ECG EA, masaya yun =) Mahilig din magtawag si Doc Ng, kapag sinusumpong, lalo na kapag FOM, eh sobrang random, hihingi siya ng number! tapos mag-aadd pa siya, kaya kahit ibigay nyong number eh lass number ng numberr 1 sa class, malamang sa malamang, hindi pa siya ang matatawag
BIOCHEMISTRY
Dean - Dra. Aquino - Doc Decs - Doc Chari |
favorite ko siya! biochem PhD siya sa US din eh, forgot where. piiiiiiiiiiinakamabait na female prof. basta sa lab den mataas scores ko pag experiment niya, lalo na nung 4th at 5th block, alam na alam mong siya yung gumawa ng exam =) kase biochem talaga eh, (BS Bio grad kase ako, kaya nakakarelate ako kung panu magpaexam yung mga chemist, di ba?) adviser din siya ng PAL (Performing Artist's League) kaya alagang-alaga yung org na yan, tawag ko sakanila elitistang org, kase sila lang laging may party =( haha, naiinggit. [Kaya kung makapal mukha mo't trip mong kumanta ng pop songs sa mga events, sali ka na dito. or kung mahilig kang sumayaw, pwede din. or kung pang-choir ang boses mo, pwede ka den dito]
si doc Chari mahilig magtawag, lalo na sa mga BS Biochem, Chem, Molecular Bio, Pharmacy at Med Tech (pati ata Nutrition, kaso walang Nutrition samin eh) ang mga undergrad, (mwahahaha) kaya maghanda kayo, dapat alam niyo pa undergrad niyo. pero mabait siya, minsan halos siya na den sumasagot eh, mahilig din siyang pababain ang mga katauhan, para lang trip niyang may kasama sa harap
Grabe, ang ganda niya, without a doubt, ang ganda niya (pero mas maganda si Doc Chari para sakin eh) andaming nagkacrush sa kanya. tangkad+morena ang combination ng ganda ni Doc Sharma. Hindi ko alam kung dahil maganda si Doc kaya makikinig/tititig ka sa kanya pero para sakin, siya pinakamagaling na female prof. Kase kapag siya naglelecture, naiintindihan ko. lalo na kapag Nutrition, kase yun yung memorable lecture niya para sakin. mahilig magtawag si Doc Sharma, lalo na sa mga nabanggit kong undergrad courses, pati sa mga Top10, sila target niya, tipong magcocountdown pa from top10 to top1,hahaha. (buti nalang hindi ako top10 :] wahahaha) (di ko alam kung ano specialiation ni Doc Sharma, CAM ata, pero alam ko BS Bio undergrad niya, hahaha)
okay si doc visda, isa siya sa magaling na prof, hindi ko din siya kinoconsider na hindi magaling magturo, pero nagkaincident kase sa batch namin. i think kasalanan ng Prev Med, particularly yung isang group na sumobra sa time magreport, pero kase dapat tinigil nung profs diba? pero ayun..... sumobra sa time, eh before lunch yung lecture, eh sobrang kapagod yung prev med, reporting yun, may mga sumayaw, nag rap, naghosting, nag-gameshow, cooking demo, etc! pagod lahat ng utak namin nun kase evaluated kami ng SS patients from the hospital. ayun, naubos neurotransmitters sa utak, gutom na mga katauhan, walang focused sa lecture ni Doc Visda, wala tuloy nagrerespond sa mga tanong/reassurances ni Doc.... first time ko maguilty talaga nun, ako kase hindi ako pagod, nakikinig ako, pero yung mga hirit niyang "ang hirap talaga magturo pag before lunch" akala ko pajoke lang.... naiinis/seryoso na pala siya =( ayun, napa walkout siya sa class namin.... huhuhuhu..... ohwell... hindi masyadong mahilig sa recitation si Doc Visda, one of the reasons kung bakit gusto ko siya. tipong mga undergrad courses related lang kapag magtatanong siya (lalo na sa Med Techs, kapag sa blood lecture niya) other than that, hindi na masyado, minsan minsan lang ang recitation. Fun din siya magturo kase yung mga concept kung anu-anu sasabihin niyang word associations, para hindi mo talaga malilimutan. medyo mix magtanong si Doc Visda, merong mga straight forward questions, pero minsan merong pamatay na tanong, tipong hindi pa tinuturo, for next block, pero related sa din naman sa block, itatanong niya. sakanya lang ako nagka-zero ata sa isang essay sa exam, sure ako dun. pero okay lang, nakakabawi na ako sa Biochem, 2nd highest ko na ulet siya! haha
PREVENTIVE MEDICINE I
Dra. Carolina Tapia
Head of Prev Med Faculty
Si Doc Tapia first impression mataray, yung kilay niya kase manipis, hehe (yun kase pang-associate ko, kung gaano kanipis ang kilay kanun kataray, anlabo ko) pero first impression lang naman yun, parang kung ako, first impression ng mga tao saken, hmmmm... malaki? hahaha,
Mejo strict talaga si Doc, lalo na sa mga advisees niya (sa research paper) tsaka sa other groups lalo na about the content of the research paper, kase siya yung pioneer sa researches natin kaya siyempre, gusto niya maganda at tama as much as possible yung papers na ginagawe naten kase ipepresent naten yan to the whole school/hospital.
Hindi lang naman puro strictness ang alam ni Doc, cool doc yan, nakikipaglaro sa bus sa fieldtrips, best payo ever niya, DISENGAGE! (oh yeah, equivalent to toma time!) after block exams, hahaha,
Classmates and Doc Solano |
The best si Doc Solano, nakakatawa siya maglecture, kahit wala kang balak makinig sa lecture niya kase malapit na yung block exams at kinacram na naten ang Anatomy, wag ka ng umasang makakasingit kang magbasa na Ana, kase makikinig at makikinig ka sa kanya! hahaha. matindi din si Doc, pag time na, time na! maglelecture siya kahit tipong sampu lang ang asa classroom, (alam ko kase isa ako dun sa sampung present, hahaha)
Dra. Perez
Mabait si Dra. Perez, (lahat naman sila sa totoo lang eh) mahina nga lang ang voice niya, okay lang, may microphone naman eh. okay den kase lectures niya, maikli lang, tapos minsan may activity na isasubmit (pampataas ng grade kase yun!) ayun, okay siyang adviser sa research, madaling hagilapin at mabait sa comments niya :)
Dr. Macabulos
Adviser namin si Doc Macabulos! Isa kame sa mataas ang grade sa research paper :) smile. hahayaan niya advisees niya to fend off for themselves kaya sobrang daming matututunan kapag siya yung adviser. mahilig siyang mag-good morning kapag hapon yung lecture at good night kapag umaga yung lecture, yun yung pampagising niya right off the bat. Mahilig din siya magtawag, kaya kung asa harap ka nakaupo, malamang sa malamang ikaw ang matatawag, don't worry, malikot si Doc, kaya maglalakad-lakad siya at hanggang abot ka ng microphone, tatawagin ka niya, yeah! :)