The block i hate the most! this block started my spiral down the road (of bad grades)maraming ngyare sa akin personally sa block na ito at dahil isa ito sa mga mahihirap na block,
bad combination! Again, try to avoid an eventful/ drama-laden life from now on, unless you live for the drama.....
so bakit ba mahirap ang block na ito?
madali lang ang Anatomy sa Block na ito, basta focus lang ng onti, least effort ako sa Anatomy (2-3 days review) pero mataas paren grade ko (88) sa block nato yeah! pinakamababa ko ay Physiology (thank you ha?) nabawi ko yung FOM ko dito, tapso bumaba ng onti Biochem ko, (note, bumaba ako sa physio ng 9 points! pucha....)
Anatomy:
2nd Block, so *baka* panget pa den yung trans nyo, kase hindi pa lahat nakakagawa ng trans at by the end of this block, lahat naka-experience ng gumawa, siguro gaganda na trans system by the 3rd block, pero mejo hindi paren ganun kaganda by this block...
kaya, review tips:
1. read the book, lalo na yung "Blue Boxes" kay Moore,
2. nagrerecord ka ba ng lectures? you should kase mga lectures ni doc Decs ay monologues, walang lecture notes sa slides niya, picture lang! kaya kung hindi ka mabilis magsulat/type, magrecord ka nalang para mareview mo pa ulet yung lectures!
3. lecture notes + netter, (ito yung atlas naten, puro pictures kase to) maganda magbasa ng Moore/Trans/Notes + Netter (gagawa ako ng entry for Books, just you wait) kase tulad ko (Visual learner) kailangan kong nakikita yung pictures along with text, kaya medyo nahihrapan ako kay Doc Decs eh, kase beneficial auditory learners talaga sa kanya....
yan lang,
Flash cards! kung may oras, gawa ka paden, sobra helpful nito sa finals at board exams!
Magpaka-OC ka at icategorize mo per Block, Per Subject (Colored indexes?) at per Lecture yung Notes/Flash Cards mo, (Oh yeah) para sa Finals, madaling iretrieve yung review materials!
Lab, mag-video ng mga sessions with Doc Decs, kase by 4th block onwards, sa batch namin, wala ng gumagawa ng trans, hindi ko alam kung bakit @____@
kaya magvideo kayo tapos ayun, reviewhin (night before exams?) para lam mo yung actual na itsura (lalo na yung nerve at artery, magkakulay at pareho ng itsura @____@)
start na din ng model mejo masaklap to kase dalawang lanes na sabay nageexam, so either yung left or right or yung harap at likod nung model yung mapupunta sa lane mo, (masaklap yung sa amin nun, wala sa isang model pero dun sa other model kita, anyare di ba?)
Physiology:
Nahirapan ako sa exam na ito, pero merong mga nka 95+ eh, so wala ako karapatan magreklamo @___@
nag-libro ako sa block na ito, mejo madame to, 1/4 or 1/5 ata nung libro yung para sa block na ito (1/5 ng 1100 pages = 220+ pages, yung libro eh mga isang ruler ang tangkad, Guyton, ay sus!) dito papasok ang trans+ Baby guyton (bilhin niyo ito, lakeng pagkakamali kong hindi na ako naghanap, wala kase nung 1st week of class, sumuko nako maghanap after nun)
mas effective kung naintindihan mo yung mga nangyayare, lalo na yung ECG (ay sus!) dapat gets mo yung 3 graphs, lalo na yung timing ng diastole-systole, ay sus, promise! hanggang finals(syempre sa hospital setting) kailanagan mo pa den to.
kapag naintindihan mo kase kasabay na deng memorized mo (kase ulit-ultin mong basahin+unawain = consolidated memory, hanggang pagtulog baka mapanaginipan mo na)
Biochemistry:
sa block na ito magsisimula ang impyernong idudulot ng Biochem sa inyong mga neurons,
andameng imememorize dito!
kase kailanagang memorized mo ang mga Biochemical pathways
narinig mo naman na siguro kung ano yung glycolysis at Kreb's cycle di ba?
don't worry, madame silang kamag-anak! (worry pala dapat)
not only do you have to memorize the substrates, you need to know also what the enzymes are, the rate-limiting enzymes (usually yung 1st enzyme naman lage eh) what inhibits and stiumalates that enzymes (usually high energy (ATP, NADH)=inhibit, low energy(AMP, NAD=stimulate) the diseases (symptoms) that could arise when you lack enzymes from the pathway and the medicines you could use to treat these diseases.
simple lang di ba? (evil smile, may naalala ako bigla, pero sikret lang namin yun)
sa lab,
(bitter pa den kase ako)
may isang tinanong na diagnostic tool for prologned glucose control of patients with diabetes, essay to ah, so tipong 4 points
di ko alam eh! ang tamang sagot glycated hemoglobin (hindi ko na ito makakalimutan ever!)
mga nakakuha lang nito sa alam ko eh mga nurse + medtechs :(
anyways, yun lang naman, tapos makinig sa post-lab, alamin yung importance ng bawat chemical na ginamit! promise, pwedeng itanong kase! (pwedeng buffer siya, or pra maging acidic/basic yung solution, para pang-develop ng color, pang precipitate ng sumthing, pang-wash out ng sumthing, pampastabilzie ng sumthing, etc)
yakang-yaka yung biochem basta magmemorize ka lang, ito talaga ay demanding na subject, kaya nga Biochem ang may pinakamalaking percentage ng grade, kung nag-aabot ka ng grade/scholarship, tuunan mo ito ng pansin, 1/4 ng grade mo galeng sa subject na to.
Prev med
Same same paden sa block na ito ang prev med, reportings+exam, be creative paden sa reportings, gumawa kayo ng video/skit etc. basta dapat creative kayo! matagal ng bano ang powerpoint presentation! try sumthing new! yung discussions den, memorize yung slight details, (like yung Minamata disease, due to Mercury poisoning) tipong parte lang siya ng isang slide na pinopoint out yung mga poisonous elements/chemicals, parang nadicttate lang, pero tinanong pa den?
worry not, the prev med faculty shares their powerpoints,
carry-on
FOM
same tactics, after ng physio/ ana/histo at biochem exams, matulog ka na
joke, basahin ulet yung topics na related sa cases na nadiscuss sa inyo, malamang sa malamang, case niyo dito will include hypertension at myocardial infarction, hindi pwedeng wala yan!
(cases naming kasama ay Patent Ductus Arteriosus, Rhematic Heart Disease at Erythroblastosis Fetalis)
additional tip, reviewhin niyo yung questions sa exam sa ana, bc at physio, kase uulet mga 1-3 questions from each department kaya maghanda
sa essay part, usually laging how at why ang mga tanong, pwedeng yung medication ang itanong, paano nagwowork, or kung bakit yun yung appropriate gamitin. pwedeng situational den, tipong what if yung itanong (sa pda, instead of ductus arteriosus, paano kung foramen ovale yung patent?)
overall: mahirap yung block na ito, para sa akin 2nd hardest block to, ewan ko ba kung talagang tumapat lang sa problema ng buhay ko or talagang mahirap tong block na ito, pero bumaba grades ko dahil sa block na ito, dahil sa block na ito, hindi na ako Dean's Lister :(
oh well,
haha
(pero sa block na ito bumawe yung kaibigan ko, siya yung naging DL, inagaw niya yung pangalan ko :) jowk, mga 4 kameng nawala sa listahan sa pagkakaalam ko, di ko na matandaan eh)
kung bumaba grades mo dito, at mejo demanding na orgs mo, pagisipan mo na kung mag-stay ka or magdedefer ka, kase mas hihirap/demanding lang ang orgs..... :(