Wednesday, May 22, 2013

Sophie Year - Adjustment Monster

Nag-aral ako ng highschool sa pisay, at isa sa mga kinakatakutang taon dito ang 2nd year. sa totoo lang, tama sila kase 2nd year lang ako nagkaroon ng bagsak na subject sa isang quarter! ay sos! di ko na matandaan ng maigi ang full details pero grabe, yung feeling na papatawag ka ng adviser tapos kakausapin nanay mo, sheiz, nakakaiyak.

Sophie Year na ito ay mej magkapareho, lols.

2nd year sa med. hinga ako ng maigi kase tapos na first year, and scholar ako! Yey! So malamang sa malamang yakang yaka natong 2nd year nato! So subconsciously (sometimes consciously) akala ko same lang! Boy, was I so ever wrong!

First of, transition from Basic Science to Clinicals so mas maraming subjects! Requirements din dumadagdag kasi may Micro and Patho na both may lab. Papers din because my small group discussions na sa clinicals! (Update: SGD used to start in 2nd year pero St. Luke's started doing them for first years! yey, though mas "tame")

subject-by-subject

Pathology (Patho)

Ito ang "in-between" subject sa second year. Tinuturing nila ang 2nd year as sortof pre-clinical-clinical year kase may ituturo silang clinical pero foundations/basics parin ang kailangang i-instill. So in-between ang patho kase sortof clinical siya kase may clinical information about diseases ang malalaman mo pero grounded on basics like physiology, anatomy and biochemistry para maintindihan mo ang pathophysiology ng disease or in other words, what the eff is happening wrong in the body/system/organ/tissue/cell kaya nagkakaroon ng ganto-ganyang disease.

PROFS:
IMO, thank god for this subject, not only will you learn A LOT from this subject, its very helpful na handled by the department head god-sent to everyone Doc Moria. Ay sos! Grabe sa kabaitan kung mag pa quiz (Case Analysis=Quiz) at sobra pa magturo yan pag di mo naintindihan ay ewan ko nalang sayo. (unless natutulog ka, 1/2 wink)

*other faculty dito, lalo na si Doc Carreon ay note-worthy din naman dahil kapag magbigay ng tips/hints to, ewan ko nalang sayo ulit kung di mo pa makuha (unless natutulog ka ulit, wink-wink-wink)
UPDATE: Doc Carreon passed away na, kami ang last batch na naturuan niya for 1 full year, huhuhu. Truly a loss for everyone, kasi magaling siya.

*pumalit kay Doc Carreon si Doc Jeff So. Madaming nahuhumaling sa kanyang kapogian. Haha. Specialty niya ay prostate pathology sooo.... mejo green-minded siya. haha. *lahat pala ng sinasabi ko tungkol kay Doc Jeff is from my clerkship days. Though from what i heard, aside from personally knowing na magaling siya magturo, majoke siya and approachable din. Most importantly, (i-emphasize ko daw sabi ng friend) guwapo siya, hahaha. side-note, wag mong paalam na taga Pampanga ka kasi ibubully ka niya in Kapampangan (like me, huhuhuhu)

may mga guest faculty din dito at most probably maeencounter mo din sila sa other subjects (micropara at medicine). 
EXAMS:
kaibigan mo dito sa subject na ito ang textbook na si Robbins, ay sos, word-for-word mo lang yung "Pathophysiology-Morphology-Outcome" ng disease, guaranteed 8-10 ka lage sa quizzes.

BEWARE topics ni Doc Carreon ay CASES (as in mahahabang case with pertinent info like morphology (gross at histologic) at SSx na medj characteristic ng disease (na nilecture niya) yun na yun.
UPDATE: Mejo hindi daw gaanong macases si Doc Jeff So, pero siya yung mahirap yung questions.


Sa lab naman, dito ka makakabawi basta makinig ka lang sa lecture during lab session, or kung magaling yung transcriber nyo at nanote niya yung mga inemphasize talaga ni Doc Moria sa slides.

sa projection exam naman (magpoproject ng picture and may side question) ni Doc Carreon, Robbins lang ulit, yung mga picture lang sa COVERAGE ng periodical (nahahalata ko pero minsan mas marami yung mga tungkol sa nilecture niya) tip, yung mga picture na may kulay yung background or may ruler etc madaling tandaan, i know its so wrong pero its so helpful na alalahanin yung kulay or yung ruler instead of the look ng disease T__T
UPDATE: Still the same, hindi lang si Doc Carreon nagbigay, though nauuso ang internet pics ni Doc Jeff So, not sure now.


Microbiology-Parasitology (Micro-Para)

Pangalawa lang to sa aking subject na to (most probably sa like/dislike at sa projected grade) kasi nahirapan ako sa dalawang block dito (namely viral at para 4th block). Tungkol sa mga Bacteria (1-2) Viruses (3) Protozoans (4) Worms (5) Kung anu-ano (insects, continuation ng worms, at medj integration ng lahat, kaya 6th)

PROFS:
swerte parin sa subject na ito dahil kay Doc RFF, favorite ko na talaga siya dahil sa subject nato. halos kailangan mo lang talaga kay Doc eh ang kanyang ever-trusted lines of "Take this down" questions during the lecture, basta sagutin lang ng transcribers ang mga tanong niya sa lecture, trusted may points ka for sure (wink-wink) :) Doc Malaya is different however kase she wont give hints (sa pagkakaalala ko, wink-wink) about possible exam questions pero her lectures are definitely easier to follow, kase admittedly si Doc RFF nagjujump from slide-to-slide kapag naglelecture ^__^ (nakakalito/sakit ulo minsan sa umpisa pero in the long run nakakaaliw na din yan, hehehe).
Mostly si Doc RFF din sa lab magtuturo, occasionally lang si doc Santos.
EXAMS
Mostly madali yung exams, lalo na kung nakapagfocus ka talaga dito (2nd and beyond reading?)  at mga matataas dito nakaka 97-98 dito (grabe diba?) kaya yakang-yaka mo yan.  kung kelangan mo talaga yung GWA mo at hindi mo kelangang mag-focus sa isang subject (dahil nanganib ka tulad ko, hehehe) suwestiyon kong dito ka nalang magfocus kase mas malaki ang percentage nito (kesa naman sayangin mo yung oras mo sa isang semstral na sigurado ka nanamang 80+ dun, again hindi tulad ko, dahil nanganib ako sa said semestral subject, cough Neuro) lab exams lalo na sa  projection ay very very fair at usually maaalala mo yan sa lectures nila (lalo na si Doc Santos) TIP sa transmaker sa lec eh kapag naglalagay ng picture, maglagay  ng pictures from the internet kase minsan yung lang din yung  pinaghahanapan ni  doc. sa lab exams, uhm, pana-panahon din minsan, may tsismis noong kumalat samin na nagtanong daw si doc RFF ng  lab procedure question (agar, stain etc) pero hindi naman siya nagtnong samin ng ganun. may tsismis ding mas maingay/naglalaro sa lab mas mahirap ang exam, pero ewan ko lang sa warning na yan ni Ma'am Lenny, probably panakot lang, kase kahit anong gawin ko lagi akong nahihirapan sa lab eh! hahahaha

Pediatrics (Pedia)
I know, its not going to be my 3rd highest subject (kase may ethics at psych) pero I really loved this subject without a doubt, maybe biased ako kase nasa top 3 choice ko ang pedia pero i absolutely stand by my opinion. topics mostly cover history taking and physical examination, growth and development, fever, cough, diarrhea, immunization, nutrition. Nag-iba na ito kasi nag-iba lecturer, mas madali na ang Pedia pero last kami ni Doc Rivera (swerte talaga namin) kaya mahirap yung Growth and Development part, ang referrence niya ay Mother Nelson's at Preventive chorbs (sorry nakalimutan ko tawag, di ko na mahalungkat yung akin eh) na gawa ng PPS. the other 2 semesters are easier. 

OB
Intro to OB, madali-ish siya for me kasi naenjoy kong basahin yung Williams (pero yung iba naguguluhan sa Williams kasi madami siyang statistics na sinasabi) tsaka magaling yung OB profs, though may mga oh-em-gee questions na minsan lahat pwedeng tamang sagot naman. still, kayang kaya kung aral ng maigi ang transes.
Paper: Bawal malate sa papers here, pampahatak ng grade ang papers dito (actually sa lahat) so don't forget!

Medicine
Okay naman siya kaso may Clinical Integration so minsan magulo. May pauso pa silang SGD based questions kaso super unfair kasi magbibigay ng questions yung Prof ng bawat SGD group na hindi naman matatackle ng ibang group so pwedeng may Renal question or Cardio question samantalang Pulmo block, huhuhuhu. Inayos na nila yung exam kasi super fair at nagreklamo kami, (syempre previous batch ang nakinabang, harharhar) SGD papers: seryosohin this kasi mataas ang bearing. Don't fret kung pangit first papers mo kasi ganun talaga. Mangiyak ngiyak nga ako nung nilalait nung professor yung differentials ko eh, harharhar, 1st SGD, 1st week ng 2nd year, sooooo memorable.... wala siyang paper na nagustuhan haha, excuse my language, he's such a whiny betch talaga. (memorable siya kasi siya lang ang alam kong laiterang prof sa IM, feeling namin bakla siya, pero may "wedding ring" siya eh, hmmmmm... *wink-wink)

Psych
Ok lang, study study the transes, papasa ka. Psych to the stars ang Profs dito so mga kwento nila is, my starlalaet who had this or that, nakakamemorable na nakakaaliw, hahaha. Kaya tong subject nato, walang bumabagsak sa Psych

Surgery
Mahirap to... dati.... ngayon, sobrang hirap nito, lols, nag-iba ng faculty so i dunno. No comment. Mahirap, aral maigi, may umuulit nitong subject na ito. Faculty is same sa hospital, dati kasi not affiliated sa hospital. Oh well. Doc Decs also teaches here, pero super hard na questions niya, hahaha

BRS
Pota. yun lang. i think 4 - 5 exams lang ito pero wow. always aral and prioritize this betch kapag may exams. Profs: from RBD section ng hospital (Research and Biotechnology Division) mga PhD profs. kung mahilig ka sa MBB appreciated much mo ito. Ako i liked Cell Bio in college, sa medicine, hate ko to, harharhar. mejo boring kasi lecture. harhar, what is may muntik maheld back kasi sumobra ang absent nila, huhuhu

Ethics.
Doc Solano. nuff said. easiest to, swear. minsan dalhin sa common sense/angelic behaviour, harhar. may debate dito, ewan ko lang ha, dami namin eh. piliin niyo yung emotional ang reporting, lols. tsaka yung forceful.

Clinical Pathology
Extension ng Patho, topics dito. CBC etc. haha. easier to kaya kayang kaya, surprisingly highest ko to sa lahat ng semestral subject. (or tie sa Pedia? ata, haha) Profs same sa Patho