Thursday, November 17, 2016

Back Again (Internship)

previously rant post, now deleted, haha adulting na tayo pre. (So millenial)


Instead internship post! Yey. Di ko matandann if may previous pst na but idc, yey!

So internship, hindi na ikaw ang aliping sagigilid ng hospital, may mas mababang uri na ng hayop sayo! Wooo! (Term po yan ng ibang kaklase ko, actually isa lang naiisip ko, let's not name names) Pero ako kasi gusto ko ng clerkie para may mainspire din ako tulad ng pag inspire sakin ng iba kong interns, yehes naman. Though seriously, madaming mabait kasi eh, so gusto ko ding katulad nila, yey!

The power of the blazer meant mas kagalang galang ka na. Hindi na napagkakamalang nurse or koya or hexcuse moi, who you (potang experience ko talaga sa pasosyal na yon, i sont know kung nakwento ko na sa clerkship files pero clerk ako nun eh, elective sa Radio, may questions ako para sa asawang Pinay ng foreigner kaso sabihan ba naman ako ng "What are you saying? I can't understand tapos sabay punta sa residente ko, what's he saying? I can't understand" so residente ko na nagtapos ng interview, in the middle nagtatagalog na yung Pinay, i have nothing against DH ofws pero pota to, swanget ng english mo, ilang taon ka lang nag-Amerika di ka na marunong magtagalog??? Don't me bitch. Si Sandara Park nga hindi Pilipino pero ang galing niya magtagalog! Gusto pa niyang kausapin siya in tagalog para mapractice sya! Kagalit eh, hahaha)

Anyways, because of the blazer, they are making respeto you more. Mukha ka na kasing doktor, hihi.

But with great power comes even greater responsibilities! Hahahuhu. Mas magrerely na sayo residents kasi mas may alam ka na and stuffs. So yeah! Like sa ER ikaw ang first line kung may kailangang puntahan at sayo tiwala residente etc. Or kung mas mahirap yung case sayo yung nasa Crit area and not the clerkie. Mga ganong stuffs. Iba na din hawak mong wards. Mas madami na, haha tsaka criticals sayo na. Like ICU and NeuroICU sayo na? Ikaw na magrarounds there and stuff. More learnings naman pero, hehehe.

Seniority

May clerk so syempre may feeling of mas senior ka so mas may alam ka dapt. Ehpano kung clerk mo yung top1 ng batch nila, keri lang? Haha. Keri naman siguro, atmost yung top 2 at 3 lang ata naging clerk ko, matalino nga. Pero sa trabaho, wapakels sa talino kung di mo naman magawa agad trabaho mo at kelangan saluhin ng senior mo.

Issues sa clerk, infairness ilan lang naman siguro. Una attitude talaga. Yung mas plastic pa sa orocan pero biodegradable naman? Yung tipong hate na hate daw niya yung Pedia (yes pedia pa siniraan niya sa akin) tapos sa residents kapal na kapal na close af ang asta? Yung nagvolunteer pang gumawa ng ppt tapos kayo ng clerk mo gagawa ng trabaho tapos bibigyan siya ng incentive after? Ay tumaas talaga BP ko nun! Tipong pinapalabas pa niya sa DR clerk ko para magtrabaho outside, ay pota, NO!) haha, ekis ka besh.
Isa kong issue ay yung tipong plastic pala siya sa amin yung akala mong super bait pagkaharap iba pala sinasabi pagkatalikod mo. Though late ko nalaman kasi nga super bait niya at the time, after ko na nalaman na nagsasabi siyang mas gusto daw niya yung ibang intern kesa sa amin, hahaha, ay wow. Gusto daw niya mag work kami, eh teh iba endorsement ata sayo, iba work namin sa community sa work ninyo, isang buwan kayo dun kami 2 weeks lang. hay. Ekis ka, ekis.

And sa walang katapusang mabagal si koya. Kawawa naman eh, hindi naman ako nagagalit na mabagal siya eh, yung residente ko kaya gawin ko na lang lahat ng kaya ko. I mean hindi naman ako gaging hindi ko gagawin work ko dahil feeling ko unfair na naka 5 patient nako ikaw 1 pa lang, urti pa yan, pero you know, it hurts. Kasi ako dinadamdam ko kung sabihan akong mabagal (which happened when i was a clerkie so from there hypermode/beastmode dapat, kape kung kape para di lang sabihing wala kang kwenta, ekis ka)



Saturday, November 12, 2016

Boards Review

Doktor napo ako, huhu, sa wakas bes pumasa ako!
Share ko lang ang review experience ko, iba eh. Ibang-iba! Sabi nila hindi na mauulit itong level ng review sessions, kasi kung mag residency ka, atleast specific na yung aaralin mo and mejo hiyang ka na sa topic. Eh sa boards? "Favorite na favorite" mo ba Biochem dati? Eh Anatomy? Pathology? Microbiol?
Syempre kanya kanya tayo ng gusto at hilig, strengths and weaknesses, premed course so unless Diyos ka na nagbalat kayong mortal, (bakit nandito ka pa teh? Bumalik ka na sa langit), may hate na hate kang subject, for sure (neuro kang ina mu!)

Batch namin madaming time para magreview, 3months eh, wow beh, daming time!
Sa akin hindi advantage yun, naging complacent ako, tamad ako mag-basa sa first month, huhu dapat hindi. Dapat basa-basa din kahit daming time. Aral lang ng aral or gawa ng cram materials. Like flashcards, summary notes or poster sa wall.

What is nagtape ako ng iba-ibang kulay na cartolina sa pader tapos random info sa post-it susulat ako. Tapos kapag praning na ng konti, tayo na lang ako sa harap ng kartolina and review yung mga nakasulat doon. Examples na nilagay ko sa kartolina, formula sa prev med. Npv ppv? Ay sos, efficacy  etc andun yun. MI location depende sa lead ng ecg? Yun din yun. Gamots sa worm infections, andun din. Basta mga random info divided by subject matter.

Nag review center pala ako sa superduper awesomeness masters na TopNotch Boards Review. Super awesomeness dito kasi ganda reading materials and super warm nila. Alaga ang mga studyante.

Nag aral ako ng matindiban start ng 2nd month or so. As in gising, kain, ligo, aral, tv break aral kain, tulog. Dapat siguro nag start ako nung 1st month na ganyan, may aral pa din kahit longer tv break and  game break.

Hindi ako nagFB hiatus, haha, kasi looking for FB announcements ako eh. Which i think is the wrong choice. Hahaha. Dapat nag FB hiatus ako. Dapat tinapon ko phone ko and pinaubaya ko ang FB announcements sa kaptid ko and gumamit ako ng non-smartphone phone. Haha, ohwell. Just a suggestion I guess.

Nag-stay ako sa bahay, hindi ako nag coffeeshop or library. Nagpaka-loner ako, thinking back, siguro dapat nakisama ako sa friends at nag-aral with them. Wala eh, loner ang peg ko sa bahay.

From the start may tendency for anxiety na ako. I guess napaghandaan ko ito kaya pinapunta ko nanay ko sa apartment. Ayun, siya nanghandle ng stress ko. Favorite kong ikwento is yung monster transformation ko during review. Super bipolar ang peg beshy, one minute super galit na galit tipong sisigaw ako ng "Mommy tubig! Asan na lunch ko!? Gutom nako!!!" Then iiyak kasi sasabihin ko na lang na hindi ko na kaya, tapos mag bebreak ako magna-9gag tapos tatawa sa stupid video or pic or sumthng tapos magagalit sa sarili kasi yung 10min break naging 30mins (minsan 1 hour) tapos iiyak kasi feeling babagsak ka na (those were very manly tears, haha yeah right) tapos game face back on ka nanaman and repeat the cycle. Daily.
Super grateful ako sa nanay ko for doing that for me, and my older sister na naging semi-punching bag ko din that time. And of course my family for supporting me. Yes, parang nanalo ng Best Actor. Hahaha.

Hindi ko natapos lahat yung review material. That was a mistake. Dapat nabasa ko yun atleast once.  Hindi ko nabasa fully yung OB tsaka IM. Samantalang twice ko binasa anatomy, pedia, surgery tsaka biochem. Sheesh. Talk about poor time management. Hindi ako nagpamentor sa topnotch. Huhu. Dapat nagpamentor ako. To be honest. Kasi kakausapin mo mentor mo then iga-guide ka nila and stuffs like schedule making or kung may problema ka sa pamilya or boypren and stuff. Or kung pinagnanasaan mo yung tracher sa pathology or biochem, kakatawa na kwento nung mentor, madaming mga ateng may time pang lumandi. Haha. Baka naman effective sa kanila at nag-aral sila ng patho better.

In the end may mga pinagsisihan akong practices, pero grateful and happy pa din ako na pumasa ako. Hindi na issue sa kin yung chismis about sa other schools and their top ten, sila na yung manghusga sa sarili nila kung totoo man yun. Basta ako alam kong pumasa ako n boards dahil sa sarili kong nilaga, huhuhu. Andaming dugo (literal, nagka hemorrhoids ako at toothache) pawis at luha (again, those were very manly tears) na binigay ko for that highly coveted MD and the right to prescribe, hahaha. It was fun and difficult and I wouldn't dream it happen on my worst enemy (che di niya kakayanin, joke wala akong mortal na kaaway) and hell, i wouldn't wanna go through it again.

Gahhh!


Signing-off on my medschool journeys,
John Ellison D. Jamorabon, MD