Yeay!!
Due to overwhelming neurons firing (not exactly coordinated) because of prev med and CBTL's Hot Vanilla, sobrang bangag at i'm on a sugar rush (22 hours na akong gising :-D)
Forgive if sobrang sabog or parang kulang, kase super 8 months(?) ago pa ito, at sobrang daming info na dumaan (at hindi naretain?) so yeah, baka nga mali-mali pa at pwedeng 2nd or 3rd block actually ngyare ang mga to, so.... yeah... ayan.....
First day of class,
Anatomy
unang araw, so fresh, exciting ng hangin, biglang, RECITATION!!!!
so Doc Decs starts your med school.......
Right! kase hindi naman terrorizing, isang: "How do you feel today?"
naks di ba? sobrang fun, tipong,
John: "Im nervous"
Doc Decs: "Why?"
John: "Because I'm in front of the class answering your questions" (along those lines)
siya lang yung naaalala ko, kase yun lang yung fun na comment
other answers includes, "excited" "anxious" "happy"
so ayan, syempre merong introduction, tipong class rules, syllabus, schedule (intimidating kase may schedule na binibay for the whole year! woah!)
tapos papakilala din ang mga profs,definitely fun!
sabi nila, Anatomy pinakamahirap sa block nato, kasi andameng muscles nu! sabay nerves, lymph nodes, blood vessels at bone origin/attachment! weird enough, Anatomy highest ko sa block na to, sobrang takot ko lang sa Anatomy, nagreview talaga ako. nakatulong din ng madame ang flash cards. try nyo ding gamitin as Pinoy Henyo yung flash cards, reviewing is fun! swear! Anatomy lab is something to adjust den, medyo experimental nanaman kame dito, kase first block, 1 minute lang ata, tapos succeeding labs medyo hinabaan na. tapos naging multiple choice! (andameng nagselos na higher years) pero ayun, prepare in advance! Read in advance! kung takot ka, magreview/memorize ka na 3 weeks before the exam! pramis, effective.... andameng medyo nagyabang eh, hindi nag-aral, swear, cramming sa medschool ang 1week before the exams review.... promise!
maglalab na kayo for that day! kaso mejo fail, kase Bones! at parang yung lab session na yun na yung buong session for the block para sa Bones! at mejo 4 points den yun sa lab exam!
Physiology!
same procedures, intro and pakilala.
walang tanong tanong/recitation, naglecture den agad!
Physiol, my favorite undergrad subject! first time kong pumasok, excited na talaga ako sa physiology, favorite ko to eh. kase andame mong maiintindihan sa katawan mo through this subject, sobrang, *woah!* ganun pala yun! parang ito nga ata pinaka-importanteng subject para sa akin sa first year eh. syempre basic yung anatomy, you have to know *where* and *what* pero Physio answers further the questions *How* *Why* and *When*
Physiol second highest ko sa Block na ito. pero after this block, nagtampo na ako sa Physiol.
bakit kamo? kase i was expecting more.... nabasa ko kase lahat ng chapters required sa Guyton, nagfurther studies pa ako, nag-extra books ako, (Ganong and Levy) pero ayun, mas mataas pa Anatomy ko, eh parang mas matinding effort binigay ko sa Physio, ='( Anatomy nilaklak ko lang as memory work.. Physiol trying hard to understand pa gimik ko... ayun.... haha, pero award kase 1st block ang highest physio grade ko ever, hindi na nabawe... huhuhu... Lesson: mahirap ang physiol, kung madame alanganin sa Biochem, second ang Physiol, pero from what the rumours are saying, mas delikado ang grades ng mga bumabagsak sa physiol, kung tipong 1-3% lang ang kakayurin ng mga Biochem trouble babies, mas malaki daw para sa Physio. i dunno pero.... haka-haka lang yun (ata, wala akong proof eh) eh ang 4th block at 5th Block ng Biochem surprisingly easier na, (highest ko 5th Block ng Biochem =) yey!) kaya sobrang kayang-kayang bawiin, todo effort lang (may Xmas break pa nun! sobrang aral ka na nun!)
Biochemistry
kinuwestyon ko sarili ko kung bakit kailangan tong subject na ito, kase undergrad puro drawing lang kame ng structures >_< da heck, pero mejong halong molecular and cell bio ang biochemistry sa med kaya oo, kailangan siya at sobrang importante ng biochem! lahat naman ata ng subjects importante eh, (except for....? haha, joke lang)
Biochemistry, ito sobrang na-underestimate ko tong subject nato... aminado akong nagfeeling ako dito, kase Bio undergrad ko, akala ko may "edge" ako... kaso gulat ako. lakas ko magfeeling eh ano? eh may mga BS Biochem akong classmates na nagulat den, haha, surprising enough, hindi BS Biochem grad nag-top sa exam namin (shocking!) weird enough, hindi na sila nag-announce ng top scorers after ng 1st block.... wondering why?
small statistics, after the 1st sem, Biochem holds the most number of students with red-ish marks, kung hindi ako nagkakamali, 7?
kaya wag ismallin ang biochem, learn from my/our mistakes
sa totoo lang, ang ganda ng Biochem, narerealize ko siya unti-unti, nagstart nung 4th block... lalang... kaya kinakareer ko na siya ngayon
kapag pathways na ang topic, (wala pa sa first block eh)
sobrang memorize, tip na yan for 2nd-4th block (5th block 1-2 pathways nalang ata?)
try writing it down para mamemorize. lahat ha!
as in kulang ang substrate + enzyme (undergrad kasama yung structure ng substrate, dito hindi na)
dapat alam mo den yung type of reaction, (oxi-redox, transamination, deamination, dehydration, hydration, etc) kase out of the blue yun yung tanong. bakit kamo? kase ganyan kabrutal ang med boards, tipong "The only Dehydration reaction in the......"
warning ng upper years, Biochem daw ang pinakamahirap na Finals, kase walang pointers, as in, cover-to-cover @_____@ watda......
again, PLanning Lvl 100!
(dapat kinumpleto mo yung SB stickers mo, para nakakuha ka nung planner, kelangan mo, pramis! okaya ung sa moonleaf or sa CBTL? hehehe, kung tipid-tipiran, yung sa Jollibee? haha, meron pa ba nun?)
Note pala, sa mga grade Conscious/Scholarship maintainers, Biochem ang may pinakamalaking chunk of your GWA, next ang Physiol, interms of Block exams ah! (Mas malaki actually yung Anatomy, kaso hati siya ng Anatomy -70% Histology-30% kaya mas mabigat yung contribution ng Physiol Periodic Exam sa GWA mo kaysa Anatomy) third Anatomy, 4th and 5th ang Prev Med at FOM (not sure, pero mas malaki ata yung FOM, 80-20 kase ata yung FOM)
next subject,
Preventive Medicine I (kase may II pa)
Sobrang Bias ako sa subject na to. announcement, nanganganib scholarship ko dahil sa subject nato. disclaimer, hindi ako nag-iisa =)
kaya beware.
Disclaimer, malamang sa malamang maiiba ang syllabus ng incoming 2017 sa prev med. things didn't work-out sa 2016 eh (hence our grades) kaya rest assured, mag-iiba talaga yan for sure.
at sigurado ako, mag-iiba for the better (which makes us biter, kase ginawa kameng guinea pigs)
para sa first block, okay ang prev med
reporting will pull your grades up! and the exam is not that toxic... pero seryoso, ayaw kong magsulat ng prev med part, baka kasi pointless, at ibahin naman...... ibang entry nalang siya kapag ginanahan na ako....
Last subject, FOM
disclaimer, first sem, nanganganib scholarship ko dahil sa FOM, hindi ko kase mapataas taas ng lagpas 83 eh
pero for some reason, yung mga mataas/hindi nanganganib sa basic sciences (Anat/Biochem/Physiol) ang baba nila dito (hindi siya definite rule ah, observation lang namin) tapos yung mga may sabit sa isa o dalawang subject, mas mataas pa sila, tipong 85-89 :( nakakainggit! eh tipong FOM defines what being a doctor is eh.... dinescribe ko na ba ang FOM? grades agad kase ako agad.
FOM = Foundations of Medicine. walang textbook to
ito ay integration ng Basic Sciences, Anatomy, Biochemistry and Physiology to a clinical setting.
tipong dito mo marerealize kung anu kahalagahan ng anatomy, biochemistry at physiology sa iyong pag-aaral ng medisina. rare + common disease and conditions ang ilelecture dito, kaya masaya talaga! may kaabang-abang pang tour sa hospital! wow!
dito nyo makikita yung CT Scan, MRI, mga labs, mga Centers, ang saya lang talaga!
pinakagusto ko tong subject, hate lang niya ako.... ( in terms of grades.....)
quiz din dito every friday, kaya review-review related topics/lectures ng ana-biochem at physio regarding sa case, don't worry, may study question naman, tipong related yung question sa quiz sa study guide
masaya talaga FOM, kung sinu-sinong Docs from the Hospital sa QC at Global ang pumupunta, usually Heads ng mga Dept (Ortho, Onco, Radio, Peds) gosh, kaka-inspire talaga! Sino ba namang hindi gaganahan/inspired sa ganun di ba? tipong gusto mo ding marating narating nila? Right? right?
sa quiz questions, Ang anatomy mahilig sa direct questions, tipong mga *what* kaya minsan madali, kung memorized mo. tipong anong blood vessels, bone, anung level ng vertebra, anatomic landmarks, shape, structure, anung epithelium, anong cells, anong organs, mga ganong tanong, pinakamadaling natanong sa Anatomy, yung cause ng Down Syndrome? sagot? weh di mo alam? Trisomy 21! easy 5points dude! (pasko kase nun)
FOM, typical FOM, kung anu strategy mo, konting adjustment, pagnag-improve, stick to what you know best. Nasabi ko na din naman eh. para sa Block exams, read the cases again. Reiew guide questions+quiz questions, chances are, they repeat atleast 1-3 questions, minsan mas madame pa. Ingat sa multiple choice, lalo sa anatomy, inuulit nila questions nila from the Anatomy exam, kaya kung meron kang di sure na mga sagot, group study, compare answers, sobrang helpful para sa FOM, at para na den sa Lab exam yun, nakalimutan ko sabihin un. sa Anat Lab kase, may pointed Structure, tapos may side-question, like ano function, ano katabi nung structure, ganong blues, na tipong tinanong den sa Written exam, kaya importanteng mag-review ng exam... kahit feeling mong andame mong mali, okay lang yan, atleast alam mo na yung tamang sagot, chances are, masasagot mo na sa lab kung itanong ulet.
multiple choice ng FOM, kasama na dito yung diagnosis (minsan pati ata differential) tapos signs and symptoms, treatment, sa quiz kase usually hindi tinatanong to eh. unless kung surgical operation pwedeng itanong sa anatomy, sa biochem naman kapag kasama sa isang pathway, pwede nilang itanong yung drug.
Overall tips:
SCHEDULE YOUR TIME!
pinakaimportanteng advice yan
i-note ang submission dates, exam scheds, lecture scheds, reporting
plan study sessions in advance!
general advice, review 2-3 weeks before the exam.
basa-basa na ng libro. lalo na ang guyton, dapat mabasa mo ang buong libro! promise, sarap ng pakiramdam na natapos mo yung librong yan.... parang feeling doktor na doktor ka nan talaga! oh yeah!
TRANS, ang magical artifact ng medlife, as a rule, pag-first block, ampapanget pa ng mga TRANS, (kung di mo talaga dets kung ano ang trans, TRANS=transcript, notes, as in, buong class gagawa nito, may maaasign na lecture sa trans team mo, at gagawen niyo yung notes ng lecture na to, wait lang, ang dame dame niyo sa buong class, tipong once kalang mapipilitang gumawa nito sa isang Block okay? kaya wag kang mapressure agad.) yun nga lang, dahil super unfamiliar pa ang mga katauhan sa First Block, nakakashock na halos barren ang naging trans namin
payo ko lang, sana ruthless yung Trans officer niyo, tipong mahigpit siya na walang pakialam kung may maasar sa kanyang kahigpitan. haha, para mapilitan yung mga katauhan.
set strict deadlines , enforce yung fees for wrong spellings, wrong infos, late transes, wrong formats, lacks book notes promise, mapipilitan sigurado mga tao niyan, tapos yung fees na maiipon saktong pandagdag para sa Xmas Party funds ninyo, FYI, freshies handles the Xmas party of the whole school, kaya pressured kaya na gandahan ito.
medyo mabait kase trans officers namin eh, kaya relak-relak lang mga trans namin, tipong 1 week before exams, may mga trans pang wala. kaya ito, ngingiti nalang ako ng sobrang laki :D
ayan, medyo parang nasabi ko na lahat for the 1st Block, baka halos wala na akong masulat for the following blocks......
Events for the 1st Block,
orientation,
ice breaker party ng first years
Election of officers (2nd day)
Meeting with the cadaver, (3rd day of medschool)
Lab experiment (4th day of medschool)
bakuna for Hepa
fieldtrip sa prev med
reportings sa prev med
presentation ng 2nd years sa naging paper nila nung first year sila sa prev med
meet new friends
decide kung medschool / quasha is for you
and many more! tipong i'll leave it up to you to discover the joys and wonders (and hardhips) of medschool!
Ciao baby
Wow.. ang saya.. I hope makapasok ako.. ^.^
ReplyDelete